Ayaw kong sumikat ang Arashi sa Pilipinas. Hindi ako selfish or whatsoever, pero mali eh. Ang Arashi, naghihirap araw-araw at more than 10 years na nilang ginagawa yun. As a fan, papayag ka ba naman na magkakaroon ng ibang girls na tatawagin nila ang mga sarili nila as “Fans” but they don’t even understand the tru nature of Arashi? Kung ako ang nasa part ng Arashi, syempre, masasaktan ako. Ganun kasi ang ibang tao eh. Nagiging fan sila kasi gwapo si ganyan, gwapo si ganon. Okay lang naman yun. Pero, sana iwasan na. Hindi na yun pagmamahal eh. Pagpapakita na ng kalandian yun eh. No essence of love at all. Kaya, kung hindi nila naiintindihan ang tunay na Arashi, kahit maawa naman sila oh? Nakikiusap ako, PLEASE? Sa 4 years ng fandom ko, madami na akong nakilalang mga “Fans” pero konti lang ang nakitaan ko ng tunay na pagmamahal. Sila yung kahit na hindi nila nakikita/nakakausap ay mahal parin ang Arashi hindi dahil sa music nila, kundi sa kung paano nila ginawa yung music nila. Hindi rin dahil sa mga ginagawa nila, kundi kung bakit nila yun ginagawa. Hindi naman kailangang araw-araw kang nanunuod ng mga shows nila para maging isang tunay na fan. Ang kailangan mo lang gawin ay mahalin sila ng buong puso, na kahit na hindi ka na updated ay okay lang. Basta alam mo sa sarili mo na nandiyan sila, handa kang kantahan sa tuwing may problema ka, na handang magpasaya sayo sa tuwing nalulungkot ka.