0
1 year ago
tagged: Bitter note, RAGE, !@$%,

Crab Mentality

Crab mentality.

Yan ang isang bagay na meron ang marami sa mga tao ngayon. Hindi ko alam kung bakit kailangan merong ganyan, pero meron talaga eh. Wala na akong magagawa kundi maawa sa kanila dahil isang napaka-low na bagay ang hilaan pababa ang isang tao para lang makaakyat ka. Walang sense eh. Hindi ko makita yung point. Masyado ba silang mahina para hindi nila makayang umakyat gamit ang mga sarili nilang paa? Gusto kasi nila, instant flying eh, yung tipong wala silang pakialam kung may matapakan man sila. Basta ang importante, makapunta sila sa ere.

Sa totoo lang, nakakaawa sila.

Masyado nilang pinagtatakpan ang kahinaan nila.

Masyadong makitid mga utak nila. SELFISH PEOPLE, to be very exact. 

Sana, malaman nila na mga tao sila, hindi mga talangka. O baka naman, talangka talaga sila? Either way, selfish parin sila. At yan ang isang bagay na nakatatak na sa utak ko habang buhay.